Buhay Mag-aaral




ANG BUHAY MAG-AARAL

Buhay Mag-aaral
Halos karamihan sa atin ay naranasan ang maging isang mag-aaral o estudyante, ngunit kapag tinanong ang bawat isa sa atin kung ano nga ba talaga ang buhay nang isang estudyante my nagsasabing mahirap, may nagsasabi din namang ito ang pinakamasayang yugto ng buhay ng isang tao. Kung hihingiin ang depinisyon ng bawat isa ukol dito ay ang depinisyon nila ay nababatay sa kung ano man ang naranasan nila noong mga panahong sila ay estudyante pa, magandang karanasan man ito o hindi.
Kung ako ang tatanungin kung ano nga ba ang buhay bilang isang mag-aaral ay, sasagutin ko ito batay din sa aking naging karanasan bilang isang estudyante. Bilang isang estudyante masasabi kong mahirap at masaya ang yugtong ito, mahirap sapagkat mararanasan mong hindi matulog ng ilang gabi dahil sa kakalaro ng DOTA kahit na may pagsusulit.

 Hindi mapigilang pag FACEBOOK kahit na may mga proyekto na dapat ipasa sa takdang oras, mararanasan mo ding magkaroon ng isang gurong napakasungit dahil s iyong katamaran , at higit sa lahat mahirap tanggapin na babagsak ka sa isang asignatura kahit ginawa mo na ang lahat nang diskarte upang makapangopya sa iyong katabi matapos mangalay ang iyong leeg dahil sa paghaba makita lamang ang sagot ng iba yun pala ang nakopyahan mo ay isang manghuhula,, kay saklap nga namang kapalaran uulit nanaman,,tsk,tsk,
Masaya naman dahil madami kang bagong makikilalang kaibigan, bagong inspirasyon, kahit hanggang tingin ka lang ayos na. At ang pinakamasaya sa lahat palagi kang may sideline dahil sa mga kunyaring proyekto, at mga bayarin sa eskwelang ikaw lang ang nakakaalam. Ito ang buhay estudyante!

Mga Komento